Unang Pahina

One Direction at the Logies Awards 2012.jpg

Ang One Direction (daglat: 1D) ay isang pop na bandang Britaniko (British pop boy band) na binubuo nina Niall Horan, Zayn Malik, Liam Payne, Harry Styles at Louis Tomlinson. Sila ay nakapirma sa Syco Records ni Simon Cowell matapos na mabuo at makamit ang ikatlong puwesto sa ikapitong serye ng The X Factor. Bunsod ng social media kaya naging matagumpay sa iba't-ibang bansa, ang apat na album ng One Direction, ang Up All Night (2011), Take Me Home (2012), Midnight Memories (2013) at Four (2014) ay nakabura ng mga dating rekord, nanguna sa mga talaan sa malalaking merkado, at nakagawa ng mga patok na awitin kabilang ang "What Makes You Beautiful", "Live While We’re Young", "Story of My Life", at "Steal My Girl". Kabilang sa kanilang mga nakamit ang apat na Gantimpalang Brit (Brit Awards) at apat na MTV Gantimpala sa Awit-Bidyo (MTV Video Music Awards). Kinatawan ng One Direction ang $50 milyong imperyong pang-negosyo (business empire) noong Hunyo 2012. Ipinroklama silang "Nangungunang Bagong Mang-Aawit" (Top New Artist) ng 2012 ng Billboard. Matapos ilabas ang Four, ang One Direction ang naging unang banda sa kasaysayan ng Billboard 200 ng Estados Unidos na nagkaroon ng unang apat na album na nag-umpisang numero uno. Ang kanilang ikatlong album na Midnight Memories ang naging pinakamabiling album sa buong mundo noong 2013.

BLM mural in Greenpoint (35406p).jpg

Ang Black Lives Matter (BLM, lit. na 'Mahalaga ang Buhay ng [Lahing] Itim') ay isang desentralisadong kilusang pampulitika at panlipunan na naglalayong itampok ang diskriminasyon ng lahi, at hindi pagkakapantay-pantay ng lahi na nararanasan ng mga taong may lahing itim. Kapag nagsasama-sama ang mga tagasuporta ng kilusang ito, ginagawa nila ito bilang protesta laban sa mga insidente ng brutalidad ng pulisya at karahasang udyok laban sa mga taong may lahing itim. Nagsimula ito kasunod ng pagpatay kina Trayvon Martin, Michael Brown, Eric Garner, Pamela Turner at Rekia Boyd, bukod sa iba pa. Tipikal na tinataguyod ng kilusan at mga kaugnay na mga organisasyon nito ang iba't ibang pagbabago sa polisiya na tinuturing may kaugnayan sa pagpapalaya sa mga taong may lahing itim. Habang may mga tukoy na samahan tulad ng Black Lives Matter Global Network na tinatakan ang sarili bilang "Black Lives Matter", ang kilusang Black Lives Matter ay binubuo ng isang malawak na hanay ng mga tao at mga organisasyon. Nananatili ang slogan o sawikain na "Black Lives Matter" mismo na hindi nakatatak-pangkalakal ng anumang pangkat.

May-akda ng larawan: Rhododendrites

  • Digmaang sibil sa Siria: Pitong tao ang namatay at 12 ang iba na nasugtan ng pag-atake mula sa ere sa Gobernato ng Idlib, Siria.
  • Pandemya ng COVID-19 sa Pilipinas: Nirekomenda ng IATF na luwagan ang mandato ng pagsusuot ng face mask (o telang pantakip sa mukha) at gawin boluntaryo ang pagsusuot nito sa labas kung saan may magandang bentilasyon, sa kondisyon na bumuti ang pagkuha ng pagpalakas (o booster) laban sa COVID-19.
  • Umamin na hindi nagkasala ang dating Punong Estratehista at Senyor na Tagapayo sa Pangulo ng Estados Unidos na si Steve Bannon sa isanampang kaso sa New York para sa diumanong pandaraya sa mga tagapagkaloob sa pagtatayo ng isang pader sa katimuganang hangganan ng Estados Unidos.
  • Ipinabatid ng Palasyo ng Buckingham na namatay si Reyna Elizabeth II (nakalarawan sa kaliwa) sa gulang na 96 sa Kastilyo ng Balmoral sa Eskosya. Humalili sa kanya bilang monarko ang kanyang anak na si Charles III. (nakalarawan sa kanan)
  • Bumoto ang parlamento ng Kapuluang Solomon upang iantala ang pangkalahatang halalan sa gitna ng mga pagtutol ng mga partidong oposisyon, na inakusa ang Punong Ministro Manasseh Sogavare ng "pag-agaw ng kapangyarihan".

Mula sa mga pinakabagong artikulo ng Wikipedia:

Traditional shophouses in Upper Cross Street, Chinatown, Singapore (17161367876).jpg

Oktubre 7

Nigeria

Mga huling araw: Oktubre 6Oktubre 5Oktubre 4

Ngayon ay Oktubre 7, 2022 (UTC) – Sariwain ang pahina
  • Cup-o-cofee-simple.svg Kapihan – Puntahan ng pamayanan ng mga patnugot upang talakayin ang mga pangkalahatang paksa o tanong tungkol sa mga alalahanin sa at iba pang aspeto ng Tagalog na Wikipedia.
  • Cscr-featured.svg Napiling Artikulo – Pahinang lapagan para sa mga tinampok na artikulo sa Tagalog na Wikipedia.
  • Cscr-candidate.svg Nominasyon ng mga Napiling Nilalaman – Pahina sa pagnomina ng mga itatampok na artikulo at larawan.
  • Admin mop.PNG Tagapangasiwa – Pahina tungkol sa pangkalahatang impormasyon sa mga tagapangasiwa ng Tagalog Wikipedia at kung paano makikipag-ugnayan sa kanila.

Crystal Clear app email.png   Embahada at koordinasyong multilingguwal   Crystal Clear app email.png

Ambasada · Ambasciata · Ambassad · Ambassade · Botschaft · Embaixada · Embahada · Embajada · Embassy · 大使館

Koordinasyong multilingguwal · Paano magsimula ng isang Wikipedia

Pinapaandar ang Wikipedia ng Pundasyong Wikimedia, isang di-kumikitang organisasyon na pinapatakbo din ang iba pang mga proyekto: